Linggo, Setyembre 4, 2011

Same Shit, Different Day.

Naranasan mo na bang gumawa ng kalokohan? Gumawa ng bagay na hindi dapat. Mga bagay na hindi ka pinapayagang gawin pero ginagawa mo pa rin dahil masayang itong gawin?
Bakit nga ba masarap gawin ang bawal?
Kaya lang kahit gaano kasarap ang ginagawa mo, sa huli, may mga makakati ang dila pa rin na babasag sa kaligayahan mo. Mga taong hindi pwedeng hindi ka pakikialaman. 
May Iba’t ibang uri ng Sumbungera/Sumbungero na nakilala ko na (Hindi ko lang alam kung merong pang iba pero kung meron man baka endangered species na.). Narito na sila at kayo na rin ang maghusga.
Una
“Ang Makapili.”
Sila yung mga wala nang ibang pagpipilian kundi ang magturo. Yung tipong kahit sino na lang ang ituro para lang mailigtas yung sarili. Yung mga inutil na kahit masira ang pinagsamahan niyo ay handang isakripisyo. Para makaligtas. Para makatakas.
Pangalawa
“Ang Chikadora.”
Sila yung mahilig makinig sa usapan. Sila yung kung magkwento ay kala mo nadoon ka talaga ng maganap yung sinasabi niya kahit na narinig lang din naman sa kapwa niya. Sila na dapat ay wala naman talagang pakialam pero laging nandon.
Mga taong dapat ay wala naman sa eksena. Mga taong masayang-masaya kapag nakakasira ng pangalan ng iba. Mga taong katabi mo madalas.
Pangatlo
”The Squealer.”
Ito yung mga taong pinagkakatiwalaan mo. Laging hingahan mo ng mga kaartehan at problema. Pero sa huli, sinadya man o hindi, ilalaglag ka pa rin nila.
Pang-apat
”Ang Politiko.”
Ito yung mga nagsusumbong sa mga matataas para may makamit. May hinhangad na makuha mula sa iyo o sa iba. Kaya nilang gumawa ng kwento para masuportahan ang kwentong sinasabi nila laban sayo. Ito ang pinaka-ayaw ko. Mga badtrip.
Gaya ng sabi ko kanina ay hindi ko sigurado kung mayron pang iba. Kung may maiisip pa ako o makikilala ay saka ko na lang siguro ipopost.
Kapag nabadtrip ako ulit.
xXx
Mula bata pa ko ay isa lang ang pinaniniwalaan ko. Yun ay huwag kang gagawa ng mga bagay na hindi mo kayang panindigan. Simple lang naman pero hangga’t maari ay iniisip ko yan sa araw-araw. Ang masakit lang, sa mga di inaasahang pagkakataon ay may mga kalokohan kang ginagawa para ibang tao. May mga bagay na ibinibigay ka kahit alam mong mali. 
Anong gagawin ko? Mabait ako kaya tumutulong ako.
Nakakainis! sa totoo lang gusto ko lang mag-rant kaya ko ‘to sinusulat. Gusto ko lang sabihin kung gaano ako naiinis. Gusto kong sabihin ito:
“Putang-ina ka, wala kang utang na loob, gago ka! Tinulungan na nga kita at lahat gagawin mo pa yun sa’kin? Puking ina ka! Akala mo kung sinong kang santo. May araw ka rin hayup ka!”
Hinga, buga.
Isa sa mga pinaka-ayaw ko sa tao ay yung mga sumbong-ng-sumbong kay bonggang-bonggang bong-bong. 
Ang labo naman kasi eh. Humingi siya ng tulong sakin. Tinulungan ko siya. Kahit alam kong mali. Kahit alam ko na mapapahamak ako ay tumulong pa rin ako. Kahit alam kong kapag nagkataon ay mababalasa ako.
Sa totoo lang ay napilitan lang talaga akong ibigay sa kanya ang gusto niya. Tangina naman kasi mukang kawawa. Masyado pa naman akong maaawain. PUTANGINA LANG TALAGA.
Bakit kaya lagi na lang ganito?
Kung alam ko lang na ugali niya yun? Malamang wala akong awa na naramdaman. Walang kurot sa dibdib ko kung makikita ko man siyang nahihirapan. Ano naman? Ang mga nagsusubong dapat pinuputulan ng dila.
#NeverSqueal
*Ito ay ang aking opisyal na lahok sa pakulo ni Sir Lio.

4 (na) komento:

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

Rule 'to lalo na sa mga TnL. Walang sumbungan, walang aminan, mamatay na sa pagtanggi. hahaha!

Goodluck sa pakontes ni Lio!

KVPAL ayon kay ...

Salamat po Sir Duking! Idol ko po kayo Sir. Ang pagdalaw mo pa lang sa aba kong blog ay panalo na para sa'kin. Thank you po ulit sa pagdalaw Sir! :D

JH Alms ayon kay ...

mortal kong kalaban ang mga mahihilig mag-squeal.. sa mga ranger, tinuturing nilang kalaban ang mga squealers (mga kasamang ranger na pag nahuli ng kalaban, tsinu-tsutsu yung mga kasama)..

galing ng konsepto nito, pare.. good luck nga sa atin lahat.. hehehe

KVPAL ayon kay ...

atwali ibang squeal sana yan..este..salamat ulit sa pagbabasa pare.. Mukang kailangan ko talaga ng swerte para manalo sa pakulo ni L. Haha! Pero ikaw mukang hindi mo na kailangan.. :D Salamat ulit!

Mag-post ng isang Komento

Ano sa tingin mo? Ayos ba?
SUMAGOT KA!