Nobyembre 7, 2011
Kanina habang nakasakay ako sa motor
(angkas lang kasi wala akong lisensya, at kahit siguro may lisensya na ako ay di pa rin ako papahiramin ng susi) para bumili ng
adaptor para sa
jack ng
bass ko ay naramdaman kong nagriring ‘yung selpon ko. Hindi ko nasagot agad kasi nakasakay nga ako sa likod at baka maging dahilan pa ‘ko ng karambola sa kahabaan ng Abad Santos Ave.
Natuwa ako noon kasi ang nasa isip kong tumawag ay ang mahal kong si Khai. Mayroon na naman kasi kaming hindi pagkakaintindihan kaya hindi niya ko kinakausap nitong buong weekend. Pero Ibang usapan na ‘yun.
Kasalukuyan na akong nasa tindahan ng mga electronic-parts sa Avenida nung masagot ko. Nakita kong numero lang ang nagpaflash sa iskrin ng selpon ko. Nakilala ko naman ‘yung numerong tumatawag kasi kanina ko pa hindi nasasagot ‘yung mga tawag mula sa numerong ‘yun. Agad kong sinagot dahil baka mahalaga ang tawag, baka
life-or-death-situation na eh. Konsensiya ko pa.
Isang tinig mula sa isang babae ang sumagot mula sa kabilang linya. Nakalimutan ko na ‘yung pangalan kasi sa gilid ng kalsada yung pwesto ng tindahan. Tunog imbtasyon para sa isang
job interview. Sabi niya ay mula daw siya sa isang
“American company” at naghahanap daw sila ng
“2 to 3 young professionals” para magtrabaho sa kompanya nila. Tinanong niya ako kung kasalukuyan daw ba akong nagtatrabaho, sinabi ko naman na oo. Bumawi siya bigla na ok lang daw kasi pwede naman daw kahit part-time-position lang ako. So ok pa, kaya tinanong ko kung magkano ‘yung sweldo. Sabi niya
“15k to 30k” daw.
Doon na ako nagtaka.
Masyadong mataas yun para sa isang part-timer. Kahit saan ka maghanap. Kahit saang call center walang ganon.
Sinakyan ko na lang ‘yung trip niya.
“Ok Sir Karl, can you get a pen and your planner so that you could jot down the details of our meeting?”
“Eh ma’am, nasa biyahe kasi ako eh. Wala po akong makukuhang panulat saka wala akong planner.” Natatawa ko habang sinasabi ko ‘to, pramis! Di ko alam kung bakit.
“Alright, Maybe I will just send you the details through text.”
“Ok po.”
“This is just a preliminary meeting, so you are still not connected to the company. No-strings-attached pa po tayo.” Parang ganyan yung pagkaintindi ko.
“Ok ma’am.” Ito lang ang alam kong isagot sa mga tumatawag na kompanya sa selpon ko. Pasensya na.
- END OF CONVERSATION -
Di nagtagal ay nakatanggap ako ng text message mula sa numerog tumawag. Nakasaad dito ang mga detalye ng sinasabing meeting.
- When: Saturday, November 12, 2011
- Where: 15th flr. Octagon Center, San Miguel Ave., Ortigas, Pasig City.
- Who to look for: Mr. Kevin Ocoma
Ito lang ‘yung laman ng text niya. Walang pangalan ng kompanya.
Nagdududa na talaga ako noon sa mga tawag na natanggap ko. Para kasing modus operandi eh. Isip ako ng isip kung pupunta pa ba ako o hindi na. Naka-uwi kami ng bahay at diretso agad ako sa inturnetz.
Google
Google Search: 15th flr. Octagon Center
Ito ang tumambad sa’kin..
Ang tanging lumabas sa bibig ko ay isang napakalaking “TANGINA.”. Binasa ko ang laman ng mga blog. Nabasa ko nga yata lahat ng blog na nahanap ni google. Halos lahat sila isa lang ang sinasabi. Iba-iba lang ang scenario na tulad ng sa’kin. Natuklasan ko din na isa pala itong Multi Level Marketing type na kompanya. Ito ‘yung tipo ng kompanya na may hawig sa “Pyramid” noon. Sa totoo lang hindi naman talaga ako against sa mga MLM-companies. Pero wag niyo na ‘kong utuin, sabihin niyo na lang agad. Matapos kong magbasa ay nagdesisyon na ako na di tumuloy sa usapan amin nung babaeng tumawag. Di na rin ako nagsabi a di ako tutuloy. Hindi ko na rin naman siguro problema ‘yun kung sakali. Ayoko kasi sa lahat, yung malabong kausap.
xXx