Naguguluhan ako ngayon kung anong dapat kong gawin. Sa dami ng gusto ko, hindi ko na alam kung ano ang pipiliin ko. Kung alam ko lang talaga ang tunay na gusto ko, di sana ako nagkakaganito.
Pwede bang maging aking na lamang kayo? At kung hindi naman, alin sa inyo ang pipiliin ko?
 |
Nikon D3100 Ikaw na matagal ko nang pinapangarap. Ikaw na di mawala sa isip ko. Handa kahit maging pampalipas oras. Ikaw na magpapakita sakin ng tunay na kulay ng mundo. Ikaw na handang suportahan ang mga kagaguhan ko. Ikaw ba ang dapat kong piliin? |
 |
HP Envy 14 - Beats Edition Ikaw na maaring magbigay sakin ng kaligayahan. Ikaw na gagawin ang lahat mapaligaya lang ako. Handang itago ang pinaka madilim kong sikreto. Kailan man ay siguradong maasahan. Pati na ang mga nakatago kong porno lihim, alam kong maalagaan. Ikaw nga ba ang dapat? |
 |
Fleabass - Street Bass Ikaw na handang samahan ako sa pagtupad ng mga pangarap. Ikaw na handang supportahan ang mga gusto kong gawin. Ikaw na di nila naiintindihan. Ikaw na di maari ko nang makamit. Poging-pogi pa ko kapag kasama ka. Ikaw na ba talaga? |
Bakit ba kailangan ko pang mamili sa inyo? Sana magin malinaw na sa sarili ko kung ano talaga ang gusto ko. Hindi ko na alam kung anong gagawin. Ayokong magdesisyon. Ayokong mamili. Pero hindi yun ganoon kadali. Kahit na ayaw ko.. kailangan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento
Ano sa tingin mo? Ayos ba?
SUMAGOT KA!