Sabado, Abril 16, 2011

Ang tipo kong babae: Part Two

EMILY
Mga babaeng nakafull-bangs.

Ako ang tipo ng lalaki na unang tumitingin sa buhok. Kung di maganda ang buhok, di ko na titignan. Kaya nga madalas akong biktima ng mga talikogenics o mga babaeng maganda kapag nakatalikod(lang) at mapapa-oh-my-gulay ka kapag humarap na. Harapin natin ang katotohanan. Maraming ganyan sa mundo.

Bumalik tayo sa tipo kong babae. Dahil nga una kong tinitignan ang buhok kaysa sa ibang parteng naka-umbok, yan ang una kong napapansin. Ang cute lang kasi kapag may bangs, parang ewan lang. Di naman talaga ako mapili ng uri ng bangs. Ok lang rin naman sa'kin kahit emo-type o one-sided na bangs, basta meron. Mas mabilis ko lang talagang mapansin kapag fullbangs. Kapansin-pansin naman kasi talaga ito kaysa sa one-sided bangs na ordinaryo na lang mula nang naglabasan ang mga emo(napansin ko lang naman).


Hindi ka ba naman mapapatingin sa ganyan?
Baka naman malimutan mo na kung paano ang pumikit, mahirap yan.

Kung ang one-sided bangs ay nagsimulang mauso kasabay ng emo, nauso naman ang fullbangs sa pagputok ng KPop(Korean Pop) dito sa Pilipinas(napansin ko lang din).

May mga naisip din akong mga banat kapag may bangs ang chiq na gusto mong digahan. Eto 'yung mga naisip ko..

  1. "Hi Miss! Ang cute naman ng bangs mo.. parang ikaw." (sabay smile, Sir-Gerry-Alanguilan-style.) Ewan ko lang kung di malaglag ang panloob niya.. sa katatawa. Pero ayos lang 'yun kasi magkakaroon kayo ng dahilan para mag-usap. At sana 'wag mong sayangin ang pagkakataon.
  2. "Sinong may bangs dito?" ituturo siya ng mga kasama niya o kaya naman ay siya na mismo ang magsalita. Dun ka pa lang babanat ng, "Sabi kasi sa horroscope ko, today your life will be complete together with big bangs." galingan mo nga lang ang delivery para di ka mapahiya.
  3. "Haba na ng bangs mo, gupitin natin." sabay ilag sa papalapit na palad ng dinidigahan mong chiq.
Gaya ng dati, yan lang muna ang bibigay kong pick-up lines. Baka kasi malaos agad, malalaos din ang diskarte ko. Kung sakali namang may maisip pa 'kong iba ay i-uupdate ko na lang agad. Mahirap kasi talagang mag-isip kapag kapag wala kang isip. Buti na lang meron ako..

ikaw nga lang ang laman.
Muli ay humihingi ako ng dispensa sa mga taong ninakawan ko ng larawan. 
Paumanhin po Bb. Nikita Lim at Bb. Chienna Filomeno ng Aegyo Sisters sa nagawa ko. 

7 komento:

stephanie sanz ayon kay ...

hheeh! padaan lang po..kita ko sa google eh.. seacrh kac ako ng picture ng mga bangs .ahehe 3 yrs na kac hairtsyle ko iba2x pero ndi mawawala ang bangs..
-share lang-
steph09

KVPAL ayon kay ...

Ate anong facebook mo?? Add kita. :D HAHA!

Makina ni Monik ayon kay ...

hahahahahahahahahahahahahahah! yun lang.

Makina ni Monik ayon kay ...

pero ganyang din paniniwala ko nung bata pa ko "the bangs hold your powers as a person" kaso wala na yung bangs ko. hahaha

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

Greetings I am so delighted I found your webpage, I really found you by
accident, while I was browsing on Yahoo for something else,
Anyways I am here now and would just like to
say cheers for a remarkable post and a all round entertaining blog (I
also love the theme/design), I don’t have time to read through it all at the minute but I have saved
it and also added in your RSS feeds, so when I have time I will be back to read a lot more, Please do keep up the fantastic b.
Here is my page diablo 3 guide

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

Helpful information. Lucky me I discovered your web site
unintentionally, and I'm stunned why this twist of fate didn't took place in advance!
I bookmarked it.
Stop by my homepage - louisetv.com

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

Touche. Solid arguments. Keep up the great effort.
my webpage: immobilienalanya.net

Mag-post ng isang Komento

Ano sa tingin mo? Ayos ba?
SUMAGOT KA!