Sabado, Setyembre 24, 2011

Hunger Games

Unang libro sa tatlong akda ni Suzzanne Collins.

Nahiwagaan lang ako sa akdang ito. Lagi ko kasing nakikita na nakapaskil sa dashboard ng isang blogsite. Maraming nagsasabi na ito na raw ang susunod sa Harry Potter Saga dahil may gumawa pa ng GIF na nagsasabing "The magic has ended, so let the games begin!"

Naintriga ako kaya sinubukan kong basahin.

Sa simula ay hindi ko maiwasang ikumpara ito. Hindi sa librong Harry Potter (Kasi hindi pa ko nagsisimulang magmasa ng libro na 'to, pero napanood ko naman lahat ng pelikula.) kundi sa Twilight (Ito ang nabasa ko. Uso kasi 'toh noong kolehiyo at hindi ka kakausapin ng mga kaklase mo kung hindi yun tungkol sa librong ito. Mahirap kaya ang walang kausap.). Medyo may pagkakapareho rin kasi ang paraan ng pagsasalaysay ng dalawa. Pananaw ng babaeng bida, mga bagay na umiikot sa ulo nila (na napansin ko ay puro pagdududa) at love story ng may malabong pagtatapos. Ayos naman ang simula. Maayos na nailarawang ang bawat eksena. Madarama ang emosyon ng bida sa bawt eksena. Kalasan, emo. Minsan naman praning. Mga emosyong lagi madalas mong maramdaman sa pang-araw araw na buhay pero sa kaso ng bida, mas mabigat dahil sa gutom.

Isang akdang umikot sa takot, pagdududa, paghihirap, kamatayan, kilig at gutom. Nagustuhan ko naman ang pagbabasa nito kahit ingles. Maganda ang daloy ng kwento. Tangina lang kasi masyadong maswerte ang bida sa kwento (bukod sa hirap ng taggutom na nararanasan sa lugar nila) pero sa kabuuan, maganda ang akda. Natapos ko nga ng ilang upo alng eh.

Hindi ko na alam kung ano pa ang sasabihin ko. Basahin niyo na lang at kayo ang maghusga. Ito na ang pasya ng aking mga hurado, at ang hurado ng akda sa review na ito ay ako. Magaling! Kahit ingles ay di ako nahirapang intindihin. Slow clap para sa may akdang si Suzanne Collins.

Verdict:             Over All Rating:    8.9

1 komento:

Makina ni Monik ayon kay ...

Ngayon ko tutuparin yung sinabi kong komento sa book review. Ang masasabi ko lang. . .

"NO COMMENT"

HAHAHAH! Kase di ko pa to nababasa. Ang weird naman kung magkokomento ko nang di ko pa nababasa hahha!

Mag-post ng isang Komento

Ano sa tingin mo? Ayos ba?
SUMAGOT KA!