Sabado, Enero 29, 2011

Kagaguhan sa Ilamlim ng Buwan

Kung mamamatay na ko, iiyak ka ba?
Kung iiwan mo ko, liligaya ka ba?
Kung oo ay wala na akong magagawa.
Kung hindi naman ay ikaw na ang bahala.

Ako'y sayo. Iyan ang gusto ko.
Sana lang ay di ka magbabago.
Ikaw na laging masaya sa lahat ng pagkakataon.
Ako na laging naghahanap ng tamang panahon.
Sa puso mo sana ako'y manatili.
Kung hindi man ay wala na akong karapatang mamili.

Dahil ikaw lang ang may hawak ng tamang desisyon.
At ikaw lamang ang iisipin sa paglipas ng mga taon.
Siya nawa ay magbago pa ang iyong pasya.
pagkat hanggang ngayon ikaw lamang ang aking sinisinta.

Sana lamang ito'y iyong mapagtanto.
Sa mga panahong ika'y may pinupunto.
Ikaw lamang ang ang tanging iniibig ko.
Wala nang iba, iyan ang totoo.

Tangina. Lasing na naman ako.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Ano sa tingin mo? Ayos ba?
SUMAGOT KA!