Sabado, Enero 29, 2011

Ang Weirdo kong Pagkabata.

"Sa dami ng tao sa mundo, Tingin mo ba ay kabilang ka rito"

Noong bata pa ako, akala ko ako lang ang tao sa mundo. At 'yung iba ay mga robotna ginawa para di ako malungkot. Naalala ko pa nga noong hinila ko 'yung tenga ng kaklase ko para lang mapatunayan na di sila totoo. Ang weird pero di ko na matandaan kung kelan yun nagsimula. Kung kilala mo siguro ako noon iisipin mong baliw ako. Buti na lang at wala akong pinagsabihan. Kahit kasi ako naguguluhan kung may dapat ba akong pagsabihan o sabihin. Baka kasi totoo ang iniisip at mapahamak lang ako. Natatakot na ako noong mga panahon na yun. Iniisip ko kasi na baka kapag nalaman nila na alam ko na ang lahat ay magalit sila.
...
Pumasok rin sa isip ko noon na kung kung hindi sila robot, baka ako(Di ba? Weirdo talaga 'ko nung bata.). Sumubok ako ng mga tests.

Heto yung mga natatandaan ko..


Test #1
Sinubukan kong kagatin ang dila ko.
Masakit. Pero tiniis ko.
Di naputol. Baka nga ako yung robot.


Test #2
Sinuntok ko 'yung kapatid kong bata.
Umiyak yung kapatid ko pero di ako nasaktan.
Baka nga ako yung robot.


Test #3
Sumubok akong uminom ng gasolina.
Kinunusan ako ng tito ko nang mahuli niya ako habang kinukuha ang bote sa loob ng garahe.
Masakit. Baka nga hindi ako robot.


Test #4:
Naisip ko na kung robot ako.
Baka kaya kong magtransform.
Mali ako. Baka nga hindi ako robot.


Di ko na matandaan kung naka-ilan akong tests. Pero marami yan. Sobrang bata ko pa kasi noon eh. 'Di ko na rin matandaan kung paano ko nalimutan ang tungkol doon. Katulad na rin ng di ko na maalala kung bakit ko naisip ang bagay na iyon. Marahil nga ay dala lang 'yun ng mga panaginip ko o kaya naman ay mga napapanood ko noon sa telebisyon.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Ano sa tingin mo? Ayos ba?
SUMAGOT KA!