Miyerkules, Nobyembre 2, 2011

Friends With Benefits (2011)

Friends With Benefits (2011)
Ang lupet lang nitong palabas na 'toh. Maraming nagsabi na wala namang bago pero ito pa lang talaga ang pinanood kong chick-flick na kinilig ako (next to My Sassy Girl syempre). Kadalasan kasi sa chick-flick ay parang wala namang epekto at kung hindi naman malamang umiiyak ako, pero ito.. iba talaga. Hindi ko rin naman masasabing wala rito yung mga elementong madalas kong nakikita sa mga chick-flick na pelikula. Narito pa rin syempre yung elementong hot-broken-hearted-girly-hoping-to-find-her-prince-charming at pretty-boy-who's-afraid-to-fall-in-love-again-due-to-his past-failed-relationships element. Medyo may hawig lang ng konti sa tema ng isang indie film na gawang Pinoy, at kailan lang din ipinalabas. Makakatuwa ang kwento. Nakakabuwisit lang para sa'kin kapag kumakanta na si Justin Timberlake. Hindi ako maka-N'sync pero pinanood ko pa rin ng buo. Ngayon ko lang din nakilala sa Mila Kunis na sobrang nakapag-painit ng ulo ko.

Grabe lang. May bago na kong kras.

Synopsis:
Ang pelikulang ito ay tungkol sa kwento ng dalawang tao na kagagaling lang sa hiwalayan. Pinagtagpo ang kanilang mga landas dahil sabi ni direk at dahilan na rin na nakasulat 'yun sa script. Isang Executive Recruiter si Jamie sa NYC at nagtatrabaho naman si Dylan sa isang maliit na Internet Company sa LA. Nabigyan ng pagkakataon si Dylan na makapasok sa isang malaking kompanya sa NYC at doon sila unang nagkita. Noong Una ay ayaw sanang tanggapin ni Dylan ang posisyon pero dahil pursigido si Jamie sa pagkumbinsi sa kanya ay tinaggap na rin niya. Dahil wala namang kilala si Dylan sa NYC ay naging malapit sila ni Jamie. Madalas silang nag-uusap ng mga personal na bagay at minsang napasok ang sex. Doon nagsimula ang benepisyo pero di ko na muna kukwento para panoorin ninyo.  
Bago pa ipalabas ang pelikulang ito ay madalas o nang naririnig ang mga katagang yan. Minsan rin akong tinawag na ganyan noong hindi pa namin inaamin na kami na. 

"Friends lang po kami.." ang laging sagot namin kapag tinatanong nila kami. Hindi sila naniniwala kaya kung anu-anong sinasabi nila para lang mapaamin kami. Pero syempre matibay ako kaya hindi ako umamin.

Minsan naman ay mayroong isang banat na pilit ikinakabit sakin yung kaibigan ko. "Let's just be friends.. with benefits.". Mamatay man ako. Hindi ko talaga matandaan na sinabi ko 'yun pero kung mai-kowt niya sa'kin.. ewan ko ba. Masayang-masaya siya dun eh. 

Eniwey, balik tayo sa pelikula. Maganda siya, at hindi naman nakaka-init. Di masyadong cheesy pero nakakakilig pa rin. Hindi naman nakapag-sisisi na panoorin kasi may butt-exposure si Mila. Hindi rin naman nagpatalo si Justin. Kaya pwede sa kahit anong kasarian. Maniwala kayo. Maganda talaga. Astig. HIGHLY RECOMMENDED! Hindi ko rin naman kasi pag-aaksayahan ng panahon kung hindi ko nagustuhan.

                           Verdict:   A          Over All Rating:    9.1

1 komento:

Unknown ayon kay ...

I watched this movie. ayos nga! nakakatawa lang role ni JT dito. haha!

Mag-post ng isang Komento

Ano sa tingin mo? Ayos ba?
SUMAGOT KA!