Ang dahilan kung bakit ako late kanina sa opisina. Pinanood ko 'toh kagabi dahil sa isang kaibigan na nag-suggest na panoorin ko. Hindi naman ako nagsisi nang panoorin ko. Alam niyo naman ako, basta may chix ang palabas ayos na. Haha! Pero sa totoo lang, Maganda na rin ang pelikula dahila halos wala itong pinagkaiba sa anime-version nito. Medyo mabilis lang at may mga nawalang eksena, ayon sa pagkaka-alaala ko (pasensya na, dalawang taon na kasi ang nakalipas mula noong napanood ko 'yung anime.). Hindi naman nabasa yng manga kaya hindi ko na rin maikumpara. Badtrip lang kasi hindi ko narinig yung boses ng bida. Umasa pa naman ako na kahit sa huli eh maririnig ko manlang yung "tinig ng langit". Pero ayos na rin kasi wala namang sigurong makagagaya noon, at malamang na wala pang nakakarinig non.Synopsis:
Ito ay isang kwento tungkol sa isang ordinaryong, lampayatot na binatilyong nasa 16 na taong gulang. Ang pangalan niya ay Yukio Tanaka pero mas kilala sa pangalang, Koyuki (Lampayatot rin yata ang translationn nito sa nihonggo eh. Ewan ko, di ako sigurado.). Lagi siyang napagtitripan ng mga siga sa eskwelahan nila dahil nga maliit siya at hindi lumalaban. Sa kanyang pananaw ay sobrang nakakainip (boring) ng buhay niya. Dahil nga siguro wala namang espesyal na katangiang nangingibabaw sa istura niya. nagbago lamang ang lahat nang minsan niyang iligtas mula sa naglalakihang siga ang isang asong may kakaibang itsura. Ang asong iyon ay pag-aari ni Ryusuke "Ray" Minami. Si Ray ay isang rakistang galing New York na may kaibigan ng bokalista ng sikat na bandang"Nirvana""Dying Breed". Mayroon din siyang kapatid na babae, si Maho (na KRAS ko.), na sa huli ay magbibigay kulay sa buhay ni Koyuki (Ok lang, I'm taken naman na eh.). Balik tayo sa kwento. Dahil nga iniligtas ng ating bida ang asong si Beck. Biglang naisip ni Ray na kailangan niya itong bigyan ng gantimpala. Hiniling ng ida na turuan siya nitong maggitara kaya binigyan siya ni Ray ng isang gitara. Fender Telecaster. Dito na nagsimulang umikot sa ang mundo ng bida nating si Koyuki. Ang binatilyong lampayatot na nagtataglay ng "tinig ng langit".
Nakakatuwa talagang panoorin 'tong live action ng Beck kasi kamukhang-kamukha nung mga gumanap yung anime characters. Astig rin kasi kuhang-kuha nila yung role na naibigay sa kanila. Ayos na ayos talaga. Two thumbs-up sa'kin 'to. Sana lang maayos yung subs, pero meron naman sa YouTube kaya ayos na rin.
THIS MOVIE REALLY IS A MUST WATCH!
Verdict: A Over All Rating: 9.2

1 komento:
hindi lang si bob ong ang marunong magsulat. hahahaha..
Mag-post ng isang Komento
Ano sa tingin mo? Ayos ba?
SUMAGOT KA!