ANNIE BATUMBAKAL
The party-girl. Mga babaeng masarap sa kama kasama.
Kung gusto mong magkasundo tayo, dapat libangin mo ako. Madali akong sumuko lalo na kapag nainip na ako. Isa akong napaka-mainiping tipo ng tao. Napakahirap para sa akin ang mga pagkakataong walang nangyayari. Kahit ano basta meron. Maigsi ang attention span ko kaya dapat iba-iba sa bawat pagkakataon. Pwedeng ulitin pero huwag naman sunod-sunod. Gusto ko laging masaya. Galit ako sa mga taong kill-joy(Kahit minsan ako rin yun.). Nakakasira ng trip yung mga taong ganoon. Badtrip lang eh.
Kaya hangga't maari gusto ko yung mga tipo ng babae na mahilig mag saya. Mga mahilig sa tug-tugs-nights at iba pang kasiyahan. Party-girl sabi ng iba. Kadalasan sila rin yung mga babaeng nakikita niyo sa daan na siguradong napatingin ka. 'Yung tipong pinapanood mo pa lang lalabasan nalilibang ka na. Madalas kasi kundi bonggang-bonggang dress ay hapit na hapit na shirt at shorts na gawa sa retasong tinangal sa pantalon kong pinaputulan ang suot nila. Madalas ay kalog at di nakakaini kasama. May mga maaarte at meron din namang walang kaarte-arte sa katawan(Mas madalas nga lang yung nauna.). Di naman yun ang mahalaga, ang mahalaga lang ay masaya ang mga eksena. Mas-masaya, mas-matagal ko siyang makakasama. 'Yun nga lang magastos.
May pagka-high-maintenance ang mga ganitong tipo ng babae. Kaya kung gusto mo ang ganitong tipo ng babae ay mag-isip-isip ka na. Hindi naman sa sinasabi kong bilmoko-girls silang lahat. Pero mapapagastos ka talaga kung gusto mong sumabay sa trip nila. Ang daming gimik. Ang daming gastos. Wala ka namang pera.
At dahil isa kang ordinaryong mamamayan na walang pera, tulad ko, bibigyan kita ng tips para di ka masyadong mapagastos.
- Kung balak niyong mag-out-of-town-trip. Huwag mo siyang dadalhin sa lugar na gusto niyang puntahan. Alam na kasi niya kung anong gagawin niya sa lugar na 'yun kaya siguradong lalabas ang lahat ng pera mo sa balat pagdating pa lang. Dapat doon kayo sa lugar na hindi niyo pa napupuntahan. Mga tipong kaysa pumunta kayo ng Boracay ay yayain mo siyang mamundok o hiking ba tawag dun. Malamang magtaka siya tanungin ka kung bakit mo gustong pumunta sa lugar na 'yun. Sabihin mo na lang, "Sinabi ko kasi sa sarili ko na ang tanging babae na dadalhin ko sa lugar na 'to, ay ang tanging babaeng mamahalin ko.". Ewan ko lang kung hindi ka samahan nun, baka nga mas excited pa siya kaysa sa'yo. Syempre dapat mas mura ang magagastos mo sa isusuggest mong alternative. Kasi kung hindi rin naman, wag ka nang mag-aksaya ng panahon.
- Sa oras na tanungin ka nya na pumunta isang mamahaling bar o club para
magpartymakabonding ka. Sa coffeshop mo siya dalhin. Kapag nagalit siya dahil dun mo siya dinala, sabihin mong; "Gusto kasi kitang mas makilala pa. Alam mo bang mas makikilala mo ang isang tao sa oras na maubos na ang isang tasa ng kape?" Sabay order ng kape, yung pinaka-mura. - Kapag kakain kayo sa labas, wag kang papayag na sa mamahaling restaurant. Maghanap ka ng street food sa kalsada tapos dun mo siya hilahin para kumain. Kapag ayaw niya niyang pumayag, banatan mo ng; "Gusto ko kasing malaman kung sasamahan mo ako sa hirap at ginhawa.". Tapos sabihin mo wala ka nang pera. Kapag nagalit, mag-isip ka na kung mahahanap ka na ng iba.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento
Ano sa tingin mo? Ayos ba?
SUMAGOT KA!