Sabado, Mayo 7, 2011

Senti-Mental

Ito ay sa mga bagay nakita ko sa loob ng aking kabinet nang maisipan kong maglinis kani-kanina lang. Ang daming basura. Muntik ko pa ngang maitapon.

Di ko sure kung tula o kanta 'to eh. Kayo na lang ang maghusga..

Trip mo ba ko?
Gusto kong malaman ang totoo
Mukha na kong tanga
Kakaasa sa'yo
Palagi na lang bang ganito?
Kapalaran ng puso ko
Laging nagdurugo
Sa tuwing iiwan mo

Mula umpisa, hanggang ngayon
Hindi na nagbago
Lagi na lang bang ganito?
Ako palagi ang talo

Wala nang mas hihigit
Wala nang papait
Ikaw ang pangarap
Na sa aki'y nagpaisip
Totoo nga siguro
Karma ang tawag dito
Ngunit kung tulad mo ang ganti
Tatanggapin ko ang aking gawi

Ano sa tingin nyo? Ayos naman di ba? Iniisip ko ngang lagyan ng tono eh. Kaya lang di naman ako magaling pagdating dun. Sana magawa ko. Gagawin ko talaga. Kahit na mahirap.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Ano sa tingin mo? Ayos ba?
SUMAGOT KA!