Huwebes, Mayo 5, 2011

Patalastas..(repeat until fade)

Madalas gusto kong tawagan ka. Gusto kong alamin kung ano ang status mo. Kung masaya ka ba. Kung may iba na ba. Maraming akong gustong malaman. Sa dami ng gusto ko malaman. Pati kung paano ang pagtatapos ay aking minadali. Siguro nga nasisiraan na ko ng ulo siguro nga nababaliw na ko. Pero ano bang gusto mong gawin ko? Di ka maalis sa puso't kukote ko. Masisisi mo ba na naman ako sa aking mga inaasal? Handa ako gawin para sayo ang lahat ng bawal. Kahit na alam kong di na ito maari. Kahit na alam kong di na rin ako pwedeng magpari. Wala na rin namang magagawa pa ang pagbawi. Ang pait ay di na mapapawi.

Hanggang dito ako ba ako o hindi?

Sino ba ako para pigilan ka? Sino ba ako para maging hadlang  sa mga gusto mo? Kung ano ang sa tingin mong tamaay gawin mo. Kung ayaw ko man ay wala ka nang pakialam. may sarili kang buhay na dapat harapin. May mga bagay na nais gawin. Ang nararamdaman ko ay walang saysay kumpara sa kagustuhan mo.  Tandaan mo, di lang sa commercial applicable ang "kung saan ka masaya, suportahan ta'ka.". Narito lang ako.

Kahit ayaw ko. Sasarilihin ko na lang ang lahat ng ito, wala na rin namang dahilan pa para problemahin mo.
Ang kaartehang ito ay inihandog sa inyo ng Mang Tintoy's Ampalaya Drink.
"Isang shot lang, tanggal ang ligaya." 
*Also available in chewables.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Ano sa tingin mo? Ayos ba?
SUMAGOT KA!