Sabado, Abril 9, 2011

X-Men Review (Tagalog)

X-men Anime Poster
Kapapanood ko lang ng unang labas ng X-men Anime ng Japan at susubukan kong gumawa ng isang descent-tagalog-review. Di na ko magpapanggap dahil di naman talaga ako magaling mag-ingles.

Synopsis ng unang labas:
Nagsimula ang lahat sa pagwawala ni Gene Grey a.k.a. Marvel Girl at di kalaunan ay naging Phoenix at Dark Phoenix. Naging dahilan nito ang kanyang kamatayan at lubos na ikinalugmok ni Scott Summers(Cyclops). Naglay-low muna ang barkadahan ng isang taon dahil sa mga nangyari. Naging mahirap ang lahat para kay Scott na ang lahat at naging dahilan pa ng hindi nito pag-alis sa lugar kung saan namatay si Gene, ngunit makalipas ang humigit-kumulang isang taon ay kinailangan na nilang bumalik sa magsama-sama dahil may isa na namang mutant na tulad nila ang nakidnap. Una ay pakipot pa itong si Scott at ayaw pang bumalik. Pero sa huli ay pumayag din ito at sumama sa misyon.
Sa aking opinyon, ayos naman ang pagkagawa ng japan sa klasikong serye ng X-men. 'Di pa ako sigurado pero dahil unang labas pa lamang ang napapanood ko, pero masasabi kong napanatili naman nila ang X-men-feel ng palabas.Nakatulong na hindi masyadong nagbago ang opening song. Magaling ang pagkakalikha sa mga tauhan. Hindi rin naman siguro malayo ang kwento mula sa orihinal.

Sa totoo lang. Naaatat na ako sa susunod na labas. Ang sexy kasi ni Storm eh. Haha!
Maiintindihan mo lang ako kapag napanood mo na.
                           Verdict:   B          Over All Rating:    8.0
Heto yung link:
X-Men (Anime) Episode1
Nabigo yata ako sa "decent"  part ng tagalog review na 'to. 
Pasensya na po.

1 komento:

daemonite ayon kay ...

nice... napadpad ako dito dahil gagawan ko ng review yun latest motion picture nila.. yun Xmen First Class.. pahiram nun image ha?

salamat....

Mag-post ng isang Komento

Ano sa tingin mo? Ayos ba?
SUMAGOT KA!