![]() |
| Homunculi (Full Metal Alchemist) Artificial human beings named after "The Seven Deadly Sins". |
Nitong nakalipas na mahal na araw ay napansin ko sa aking sarili na mas-alam ko pala ang "Seven Deadly Sins" kaysa sa "Seven Heavenly Virtues". Sino nga bang hindi? At least, alam ko na mayroong counterpart yung mga kasalanang alam ko. Di ko nga lang talaga kabisado.
Harapin na natin ang totoo. Sa panahon ngayon bihira na kasing marinig o gamitin ang pitong kabanalan sa pang-araw-araw na buhay (O sadyang makasalanan lang talaga ako.). Ang malupit pa nito, nang nagtanong ako sa mga kasama ko kung ano ang counterpart ng pitong nakamamatay na kasalanan ay wala silang naisagot.
Nakakatakot? Hindi. Nakakaawa.
SEVEN DEADLY SINS (Mga Kasalanan sa Pangaraw-araw na Buhay)
- Pride /prīd/ (Kahambugan) - Ang pagkakaroon ng sobrang taas na opinyon o kahalagahan patungkol sa sarili.
"Ako ba ang magpapasensya Ako ba ang dapat magpakumbaba? Hindi dapat ganon! Ako ang lalaki. Kahit na ako pa ang mali, ikaw pa rin dapat ang lumapit ang makipag-ayos sa'kin. Alam kong mahal na mahal mo ako. Wala ka nang mahahanap na ibang makahihigit o kahit pumantay manlang sa akin. Kung ayaw mong makipagbati, edi huwag. Hinding-hindi ako ang dapat gumawa noon. Ikaw."
Other names for Pride: conceit, vanity, arrogance and egoism.
- Lust /ləst/ (Kamunduhan/Libog) - Labis na pagnanais sa mga bagay o gawaing sekswal.
"Marahil sa ngayon ay di mo ako napapansin. Malamang ay hanggang ngayon ay di mo pa rin ako kilala. Kahit na ganoon, ay umaasa parin ako. Darating ang tamang panahon na magiging sayo ako. Handa kong ibigay ang lahat para lamang sayo. Gabi gabing iniisip ko ang nagbabaga mong katawan. Naghahatid ng init na balot ng kamunduhan. Hindi man ngayon, hindi man bukas. Darating ang araw na magiging akin ka rin. At makikita ko rin ang malawak mong bukirin."
Other names for Lust: concupiscence, appetence, lechery, salacity and libido.
- Greed /grēd/ (Kasakiman) - Makasariling pagnanais para sa isang bagay, esp. yaman, kapangyarihan, o pagkain.
"Kahit ano pa ang mangyari, kahit ano pa ang asabihin ng iba. Ako na ang nagmamay-ari sa'yo. Wala akong pakialam kung gusto mo man ito o ayaw mo. Di ko na rin kailanganan pang malaman kung may mahal ka pang iba. Kahit kailan ay di ka na magiging sa kanya. Dahil mula ngayon ay akin na, at tulad ng iba pa, pag-aari na kita."
Other names for Greed: avidity, sordid, and avarice.
- Envy /ˈenvē/ (Inggit) - Ang lubos at makasariling pagnanais sa mga katangian, kapalaran at pag-aari ng iba.
"Di ko alam kung ang gagawin sa tuwing nakikita ko kayong masaya. Alam kong mali ang hangarin ko na maging akin ka. Alam kong mali na manatili akong ganito. Pero mali ba ang umasa pa. Sana wala na lang siya. Sana di na lang siya dumating sana di mo na siya nakilala. Kung ganoon lang sana kadali ang lahat. Sana akin ka pa rin."
Other names for Envy: grudge, jaundice, spite and jealousy.
- Wrath /raTH/ (Galit) - Isang matinding pakiramdam ng labis na pagkabagot, kawalang-kasiyahan at poot.
"Gagawin ko ang lahat maging akin ka lamang! Di ako papayag na agawin ka ng iba. Putang ina! Huwag na huwag mo ring sasabihin sa'kin na mas mahal mo siya, dahil kung ganyan lang rin naman pala ang gagawin mo sa'kin ay magsama na kayo. Mga putang ina ninyo! Sabay ko kayong ihahatid sa impyerno!"
Other names for Wrath: anger, rage, fury, dander and resentment.
- Sloth /slôTH/ (Katamaran) - Labis na pagaatubili na magsikap sa paggawa ng kahit ano.
"Ang haba ng araw. Magkikita na naman ba tayo? Hindi ko naman sinasabi na ayaw kitang makasama pero wala rin naman tayong ibang gagawin kundi manood ng sine, kumain salabas at mamasyal. Paulit-ulit. Nakakasawa. Pwede bang dito na lang muna ako sa bahay? Wala akong gana ngayon eh. Kung gusto mo, pumunta ka na lang dito."
Other names for Sloth: laziness, indolence , idleness and indolence.
- Gluttony /ˈglətn-ē/ (Kasibaan) - Ang sobra-sobrang pagkain o paglunok ng mga bagay na umaabot sa puntong hindi na nararapat at di na kailangan pa.
"Marami na ba yun? Bitin pa rin eh. Wag kang mag-alala kung tumataba ako. Ayaw mo ba nun? Lumulusog na ako. Magkaiba ang matakaw at magana. Kung sakali nga, dapat kumain ka pa. Ang payat-payat mo eh. Ikaw rin, sayang naman 'tong eat-all-you-can."
Other names for Gluttony: voracity, edacity and pantophagy.
Sana may natutununan kayo kahit kaunti, at sana rin ay naintindihan niyo yung binasa niyo. Nakalimang ulit na kasi ako sa pagbabasa pero di ko pa rin naiintindihan yung sinulat ko. Umaasa na lang ako na kayo ang makaunawa.
Isasama ko pa sana yung mga counterpart nitong mga kasalanan ko na nabanggit sa itaas kaya lang baka tamarin na kayong magbasa. Siguro sa susunod na entry ko na lang ilalagay.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento
Ano sa tingin mo? Ayos ba?
SUMAGOT KA!