Linggo, Abril 3, 2011

Kung ayaw mo, 'wag mo!

Ang aking buhay pag-ibig, linapatan ng malupit na musika.
Likha at inawit ng isang maangas na banda.
.oOo.
Hari ng Dedmahan 

Ang suplado na ng selpon ko. Di ko na nabilang kung ilang magdamag na kong di kinikibo. Kung hindi pa ako tatawag, may pag-asa pa kaya na maisip mo ako at biglang ma-miss? Hindi kita mapipilit kung ayaw mo. Huwag mo kong isipin. Bahala na. Hindi kita mapipigil kung balak mo na akong iwanan na nag-iisa. Naglakad pa ako papunta sa inyo para isauli lahat ng mga sulat mo. Walang sumasagot sa bahay ninyo. Magtatatlong oras na ko dito(hello!). Hindi kita mapipilit kung ayaw mo. Huwag mo akong isipin. Bahala ka. Hindi kita mapipigil kung balak mo na akong iwanan na nag-iisa. Kung ayaw na, edi huwag!
Kung ayaw mo huwag mo!
Sana nga ganoon kasimple ang lahat. Ang kaso nga lang, hindi. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Ano sa tingin mo? Ayos ba?
SUMAGOT KA!