Nabura ang ngiti sa mga labi.
Sa pagdalaw ng umaga.
Laging hinahanap-hanap ka.
Di ko manlang namalayan ang oras.
Di rin narinig ang mabibigat na pagaspas.
Ang sagitsit ng hangin sa pakpak ng kahapon.
Natakpan ng kalabog sa bawat hampas ng alon.
Labag sa agos ang direksiyon langoy,
Sumasagupa sa lagablab ng apoy.
Pilit umaahon sa gumuhong mga pangarap.
Nabaon sa lupang nagmula sa alapaap.
Nasira ang lahat,
Nangiwi sa natikmang alat.
Ang init ng araw na sumusunog sa balat.
Habang namumulot ng alaalang sa sahig ay nagkalat.
Isang pagkakataon, mali pa ang napiling panahon.
Hanggang ngayon ay di pa rin kita ang ilalim ng balon.
Malalim ang hukay, mga mata'y namumungay.
Kailangan nang putulin ang sungay, ni bantay, na lagi kong alalay.

Hindi porque gusto mo ang isang bagay, makukuha mo na. komplikado ang buhay. Di ganoon kadali ang lahat.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento
Ano sa tingin mo? Ayos ba?
SUMAGOT KA!