Martes, Pebrero 22, 2011

'Di ka na naman sumipra?

Ngayon ko lang napatunayan na di talaga totoo ang pagmamahal na walang hinhintay na kapalit o unconditional love. Matagal akong naniwala rito. Matagal akong umasa na totoo ito. Pero dahil sa mga nangyayari. Parang napakahirap nang maniwala. Ngayong araw ay napatunayan ko na kapag nagmahal ang isang tao ay lagi silang naghihintay ng kapalit o ganti sa pagmamahal na ibinibigay nila. Ang hinahanap ko mula noong bata pa ako ay di ko na matatagpuan kailan pa man. Ang iniisip kong natagpuan ko na ay isa lang palang kasinungalingan. Masakit isipin. Mahirap tanggapin. Ang lahat ng bagay sa aking hinuha. Ay naglaho lang na parang bula.

Kay bigat ng iyong dala, di ako ang may sala.

Maraming tututol. Maraming mga kontrabida. Nasa kalagitnaan ng bakbakan. Wala ka nang makapitan? Ang pagmamahal na walang kapalit ay isa lamang kalokohan. Ang taong naniniwala dito ay dapat ng masabihan. Ang patuloy na pag-asa rito ay walang kahihinatnan. Sa huli, sila rin ang masasaktan.

Bago maniwala magisip-isip ka muna. Marami ang namamatay sa maling akala.

Kahit paano ko pa sabihin, walang maniniwala sa'kin. Lahat ng tao ay marunong magmahal. Lahat ng tao ay may pag-asang mahalin. May mga handang magbigay ng kahit ano. Marami namang tumatanggap nito. Ngunit kailangang maging handa ang lahat sa pagpili. Dahil nasa huli parati ang pagsisisi.

La la la la. La lala.
Sa kakaisip ko sa'yo.
Nalimutan ko ng mabuhay,
At untiang namamatay.
Wag kayong maniniwala sa'kin. Malungkot lang ako.  Pasensya na.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Ano sa tingin mo? Ayos ba?
SUMAGOT KA!